GINTONG PAMANA

KALIPUNAN NG MGA WALANG KAPARARAKAN AT WALANG KA KWENTA KWENTANG BLOG NI SUPERHANGIN

Pansin ko lang..

Inabangan ko ang pilot episode kanina at okay naman sa akin ang idea ng istorya, okay ang Historical background at napaliwanag naman kung saan nanggaling ang mga Bampira dahil obviously naman na walang bampira sa Pilipinas dahil sa Europe ito  nag originate. May mga ilan lamang akong puna na kakulangan sa pinagmamalaking obra nila na pantapat sa Twilight at Vampire Diaries ng ibang bansa.

Jake Roxas- Bagay naman sa kanya ang role ng isang makalumang bampira subalit nakukulangan ako sa kanyang pag arte. hindi ko nadama at nakita ang pagiging villain ng karakter nya kahit sabihin nating naging mabait sya sa karakter ni Jomari.

Make up- hindi ako nagagandahan sa Foundation na ginamit sa mga mukha nila. parang pang holloween pag nasisinagan ng spotlight hindi makatotohanan ang pagiging maputla at mukhang nag retouch lang

Visual Effects- Na appreciate ko ang effort na ginawa nila sa animated na mga Lobo almost close to a wolf na ang hitsura pero may mga eksena na kahit ako ay di nakukumbinsi sa pagiging tunay ng mga nagtatakbuhang lobo. sana gumamit na lang sila ng mga tunay na wolf na ginamit nila sa palabas nila noon na LOBO. 

Lyka at Noah- lately ko na na realize na ang mga karakter nila Angel at Piolo sa LOBO ang isa sa mga pangunahing tauhan sa istorya nang marinig ko ang pangalan ni Lady Elle, pero ang pinagtataka ko ay paanong napunta sa late 1980’s ang Continuation ng istorya ng dalawa gayong sa 21st century na sila nabuhay sa LOBO

Mga Bampira- Iba iba ang hitsura ng mga gumanap na bampira bago pa ipanganak si John Lloyd, sana Lahat halos ng magaganda at gwapong artista ang kinuha sa eksenang yon kahit maging ang mga extra para lang maipakita yung idea na karamihan sa kanila ay Kaaya aya ang hitsura gaya sa mga Vampire Stories na napapanood natin.

Yun lamang sa ngayon. sana  maging maganda ang istorya hanggang wakas at huwag maging corny na kalimitang nangyayari sa ibang palabas na biglang lalagyan ng kung ano anong twist na corny katagalan.

  1. themortalmedia said: O ayan ikaw na si “Super TV Program Critic”! Hahaha! =)
  2. superhangin posted this